"LOKARET LANG AKO!" — BEAUTY GONZALEZ, NAGBAHAGI KAY CHARO CORDIAL NG MADDOX JEWELRY TUNGKOL SA BODY, BASHERS AT BUHAY MAY-ASAWA
Saturday, July 11, 2026Naging bukas at walang preno si Beauty Gonzalez nang maging panauhin siya ni Charo Cordial ng Maddox Jewelry, kung saan ibinahagi niya ang ilang personal na pinagdaanan sa kanyang buhay, kabilang ang body dysmorphia, pambabatikos sa social media, at ang sikreto ng masaya nilang pagsasama ng kanyang asawa.
Habang namimili ng natural diamond jewelry para sa sarili at sa kanyang anak na si Olivia, nauwi ang kanilang kuwentuhan sa mas personal na usapan tungkol sa kanyang career at personal na buhay.
Isa sa mga inamin ng aktres ay ang matagal na niyang pakikipaglaban sa body dysmorphia, isang kondisyon kung saan patuloy niyang nakikita ang mga "kulang" o "mali" sa kanyang sarili kahit wala naman.
"Kapag tumitingin ako sa salamin, pakiramdam ko may kulang pa rin. Parang kailangan ko pang pumayat. In other words… lokaret lang ako," pabirong kuwento ni Beauty.
Aminado siyang hanggang ngayon ay nararanasan pa rin niya ito, lalo na dahil bahagi ng kanyang trabaho ang laging maging presentable sa harap ng kamera.
Malaki umano ang naitutulong ng kanyang asawa upang ipaalala sa kanya na sapat na siya at hindi kailangang habulin ang isang imposibleng pamantayan ng kagandahan.
Napag-usapan din ang kontrobersyal niyang ancient gold jewelry collection na minsang naging viral at umani ng iba't ibang reaksiyon online.
Ipinaliwanag ni Beauty na ang mga disenyong kanyang isinuot ay inspirasyon ng sinaunang gintong natagpuan sa Butuan at iba pang bahagi ng Pilipinas.
Layunin umano niyang ipagmalaki ang mayamang kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng sariling disenyo.
Bagama't may mga bumatikos dahil ang ilang piraso ay mula sa mga sinaunang burial artifacts, sinabi niyang ang intensiyon niya ay ipakita ang kahalagahan ng kulturang Pilipino.
Bukod dito, ikinuwento rin ni Beauty kung paano siya napasok sa showbiz. Aniya, pangarap talaga ng kanyang ina ang maging beauty queen kaya siya ang hinikayat nitong sumali sa mga pageant at kalaunan ay nagbukas ng pinto para makapasok siya sa industriya.
Sa kabila ng tagumpay sa showbiz, inamin ni Beauty na mas pinahahalagahan na niya ngayon ang tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya.
Hindi rin nawala ang kanyang pagiging palabiro nang tanungin kung sino ang pinaka-"mataray" sa pagitan nila ni Kris Bernal.
"Ako. Okay lang akong matawag na mataray. Kasi maganda ako eh!" biro niya.
Sa kabuuan ng panayam, ipinakita ni Beauty ang kanyang pagiging totoo, palabiro, at bukas sa pagbahagi ng mga personal na karanasan mga katangiang lalong ikinatuwa ng mga manonood.
Marami pang naging makukulay na kuwentuhan at personal na rebelasyon si Beauty Gonzalez sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry.
















0 comments