Alamin ang kwento ni Ma'am Elma sa pagpapakasal nila Ser Geybin sa usapan nila sa Maddox Jewelry!

Sunday, June 14, 2026

Isa sa mga madalas itanong ng kanilang mga tagasuporta ay kung kailan nga ba tuluyang magpapakasal sina Mam Elma at Sir Geybin.

Sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry, nabigyang-linaw ni Mam Elma ang tunay na estado ng kanilang plano pagdating sa kasal.

Sa panayam kay Ms. Charo Cordial, inamin ni Mam Elma na bagama't pitong taon na silang magkarelasyon, hindi pa nila prayoridad sa ngayon ang ypagpaplano ng kanilang wedding.

Ayon sa kanya, mas nais muna nilang i-enjoy ang mga bunga ng kanilang pinaghirapan.

Ibinahagi niya na kamakailan lamang ay naipatayo nila ang bahay ng kanilang mga magulang at nagsisimula pa lamang silang maabot ang ilan sa kanilang personal na mga pangarap.

Ngayon pa lang po kasi kami nagsisimulang maabot yung mga achievements at goals namin,” ani Mam Elma.

Dagdag pa niya, marami pa silang gustong maranasan at ma-enjoy bago sila tumuntong sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

Sa kabila nito, malinaw naman na matatag ang kanilang relasyon at patuloy silang nagtutulungan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Para kay Mam Elma, hindi sukatan ng pagmamahalan ang bilis ng pagpapakasal kundi ang kakayahang lumago nang magkasama at suportahan ang isa't isa sa bawat hamon ng buhay.

 

You Might Also Like

0 comments