ENSAYMADA ANG BAYAD?! NIÑO MUHLACH, NAG-BARTER KAY CHARO CORDIAL?!

Thursday, April 16, 2026

Isang nakakatuwa na eksena ang nasaksihan sa showroom ng Maddox Jewelry nang personal na dumating ang tinaguriang “Child Wonder” na si Niño Muhlach—bitbit ang sangkaterbang kahon ng ensaymada!

Ayon mismo kay Onin, baka raw puwedeng iyon na lang ang gawing bayad sa mga alahas na na-mine ng kanyang misis sa online selling ng President at Founder ng Maddox Jewelry na si Charo Cordial.

Pero siyempre, waley ang barter na ‘yan! Sa halip, pinatunayan ni Niño na tunay siyang mapagmahal at “spoiler” husband—agad niyang binayaran ang mga alahas ng kanyang misis na umabot sa mahigit ₱200,000!

Sa pagkakataong ito, muling naipakita ni Ms. Charo na FIXED PRICE ang Maddox Jewelry—at kung isa ka sa mga avid viewers ng kanyang online selling, alam mong bonggang mura ang kanilang diamond at gold pieces kumpara sa iba!

Hindi rin nag-iisa si Niño sa kanyang pagbisita—kasama niya ang anak na si Sandro Muhlach, na kamakailan ay naging usap-usapan dahil sa kontrobersyal na isyu.

Sa isang tapat na usapan, binalikan ni Ms. Charo ang isyu, at ayon kay Niño, 

"Kahit sino namang magulang, masakit ‘yon. Sana sa akin na lang ginawa… kaso anak ko, kaya mas masakit. But I cannot talk about the case kasi ongoing.”

Gayunpaman, tiniyak ni Niño na buong pamilya Muhlach ay solid na sumusuporta kay Sandro sa pinagdadaanan nito.

Para sa mga nais makaranas ng parehong level ng tiwala at saya sa pagbili ng alahas, bisitahin ang Maddox Jewelry showroom sa 1011 AZDM Building, JP Rizal Street, Concepcion Uno, Marikina City, Metro Manila.

At para sa mas marami pang pasabog na online selling at celebrity interviews ni Ms. Charo, i-follow ang D’ Maddox Jewelry sa Facebook at ang Maddox_Jewelry sa YouTube!

You Might Also Like

0 comments