'Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin': Jojo Mendrez Delivers Holiday Feels in a Song Compared to Timeless OPM Christmas Hits 'Sana Ngayong Pasko' and 'Pasko Na Sinta Ko'

Wednesday, October 08, 2025

Si Jojo Mendrez, na kilala bilang “Revival King”, ay patuloy na nagpaparamdam sa OPM scene dahil sa mga kantang binigyang-buhay niyang muli. Ilan sa mga ito ay ang Magkabilang Mundo (ni Jireh Lim), Somewhere in My Past (Julie Vega), Tuyo ng Damdamin (Apo Hiking Society), Sana, at Handog ni Florante. Dahil dito, nakuha niya ang Revival Song of the Year award mula sa Star Awards for Music ng PMPC noong 2018.

Bukod sa mga revival hits, may sarili rin siyang mga original songs tulad ng Basta Ikaw, Diwa ng Pasko, at Nandito Lang Ako mula sa Star Music — kasama pa ang bago niyang Christmas single.

Siyempre, hindi mawawala sa usapan ang mga classic Christmas songs na Sana Ngayong Pasko ni Ariel Rivera at Pasko Na Sinta Ko ni Gary Valenciano. Parehong emosyonal at puno ng damdamin, kaya naging bahagi na ng ating Pasko ang mga ito taon-taon.

Ngayon, may bago na namang Christmas song na siguradong tatagos din sa puso — “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin”, isang kanta mula sa Star Music at sa komposisyon ng award-winning songwriter na si Jonathan Manalo. At sino pa nga bang mas bagay umawit nito kundi si Jojo Mendrez mismo!

Ang kantang ito ay isang career highlight para kay Jojo dahil espesyal itong isinulat ni Jonathan Manalo para sa kanya. Ayon sa mga unang nakapakinig, napaka-emosyonal ng awitin — parang bumabalik ka sa mga eksenang puno ng pag-ibig at pangungulila, habang dama mo ang puso sa bawat linya ng kanyang boses.

Sabi ni Jojo, “I’m honored kasi ang mga kanta ni Gary V at Ariel ay timeless… nasa puso ng tao at tuwing Pasko napapakinggan pa rin. Kaya para sa akin, ito talaga ang isa sa mga pinakamalaking karangalan ng career ko.”

Naka-set na i-release ngayong Oktubre ang kantang “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” na tiyak na magbibigay kulay ngayong Pasko.


You Might Also Like

0 comments