Kumita ng hanggang 50,000 kada buwan sa Sarisuki Online Grocery Store!

Sunday, April 28, 2024

Nang matapos ang pandemic, namulat tayong lahat na kailangan ready tayo sa anumang pag-subok na dadating sa ating buhay. Marami sa atin ang na-test kung paano i-handle ang sitwasyon na ito lalo pa at madami ang tinamaan ng sakit, nawalan ng mahal sa buhay at nawalan ng pagka-kakitaan o trabaho.

Let's face it, mas malaki ang maitutulong sa atin kung mayroon tayong pinagkakakitaan bukod pa sa ating trabaho kung mayroon ka mang day job pero kung wala naman, mainam na may kaagapay ka na negosyo dahil malaki ang maitutulong nito sa iyong pag-unlad at bukod pa dito makakatulong ka pa sa iyong pamilya at makaka-ipon ka pa!

Kung nagha-hanap ka ng magandang negosyo na swak sa trend ngayon dahil karamihan ay nasa online na at bukod pa dito, maliit na puhunan lamang at makakapag-simula ka na, SARISUKI ang perfect na negosyo para sa iyo.

Madaling dumiskarte at kumita nang malaki sa Sarisuki. Ano nga ba ang SARISUKI?

Gusto mo bang kumita ng hanggang 50,000 per month? Maging Sarisuki Community Leader na! 

Ang Sarisuki app ay isang virtual grocery store na nag-ooffer ng mga fresh na goods with supermarket quality sa mga consumers sa mas mababang presyo dahil may direkta silang supplier. Dahil dito, mas mae-enjoy ng mga consumers ang pamimili online ng walang hassle at napaka convenient pa dahil ide-deliver ito mismo sa kani-kanilang bahay. Bukod pa dito, makaka-bili ka din ng mga gulay, prutas, poultry products at frozen goods na pwede mo ding ibenta sa iyong mga ka-pamilya, kapitbahay at mga kaibigan dahil Sarisuki na mismo ang bahalang mag-deliver nito sa kanila. Malaking bagay ang maitu-tulong nito sa mga farmers na direktang mag susupply ng mga orders sa Sarisuki. Naka-benta ka na, nakatulong ka pa! 

Sa Sarisuki, ang mga community sellers ay welcome na mag-benta ng kahit anong goods na makikita nila sa app, sila ay tuturuan at susuportan ng kung paano sila magiging successful na online grocery store owner.  

Tandaan na sa Sarisuki:
  • ZERO REGISTRATION FEE
  • ZERO QUOTA TO KEEP SEELING
  • ZERO MINIMUM ORDER
  • LOW PUHUNAN 
Paano gumawa ng account?

1. Download the Sarisuki CL App on Google Play Store/App Store.

Set up your store and get your own store link. Pag-isipang mabuti ang gagamitin na store name dahil hindi na ito mapapalitan. 

Share your store link and start your diskarte to earn!

Pag nagawa mo na ang mga steps sa itaas, congrats! Isa ka ng Ka-Sari Community Leader! Pwede ka na mag-share ng iyong link, mag-cash-in at mag-order! Simulan mo na ang iyong pangarap na negosyo ang si Sarisuki na ang gagabay sayo! 

In-app Online payment lamang ang tinatanggap ni Sarisuki kaya ugaliin na mag-top up sa inyong App para iwas na din sa mga online scam. Mag-ingat at tandaan ang password, huwag ipagkatiwala kung kanino man ang iyong mga details. 

Paano umorder sa Sarisuki?
Napaka-simple at dali lamang nitong gawin! Kaya naman di mauubos ang oras mo habang ikaw ay nag-nenegosyo, pwede ka pang mag-multi tasking. 

Tandaan lamang na may Cut Off ang orders kaya huwag pahuli ang umorder agad upang maisama ang iyong order sa next day delivery. 

Upang mas malaman ko ang nga detalye tungkol sa Sarisuki, ako mismo ay nag-tour sa kanilang warehouse sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Nag-enjoy ang sa tour dahil first time ko makapunta sa isang warehouse na punong puno ng nga produkto na ide-deliver sa mga ka-Sarisuki. 

Maayos at kunpleto ang kanilang warehouse. Pinapanatili nila itong malinis kaya palagi sila nag-disinfect ng paligid. Bawat order ay metikulosong tinitimbang at nilalagay sa maayos na lagayan bago i-ship kaya makaka-sigurado kayong fresh ang nga gulay at prutas na oorderin ninyo pati na din ang iba pang products. 

Kaya ano pang hinihintay mo? Maging Sarisuki Community leader na! Walang talo ang pagigining negosyante mo sa Sarisuki. May mga Loyalty programs din sila na makaka-kuha ka ng mga incentives. May mga freebies ka din na makukuha sa iyong mga orders. 

Kung gusto mo pang matuto ang magkaron pa ng mas madaming kaalaman tungkol sa Sarisuki, sumali na sa online orientation.

Download Sarisuki now 👇🏻

For more details:

You Might Also Like

0 comments